Sunday, February 25, 2018

Filipino sa Piling Larang Isports Patnubay ng Guro


KABANATA 1

Introduksiyon sa Wika at Pananaliksik
Ang unang kabanata ay magsisilbing lunsaran ng mga gawain sa
pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang
pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina Propesor
Eugene Evasco at Dr. Josefina Mangahis, mabibigyang-tuon ang makrong
kasanayan sa pagsulat at pananaliksik.
Sa artikulo ni Dr. Nilo Ocampo, naipupwesto ang iba-ibang paggamit at
wikang nalilikha sa panlipunang konteksto. Ang isports bilang isang speech
community ay nagluluwal ng maraming termino at paraan ng paggamit ng wika na
wala sa ibang speech community at kung gayon ay nakalilikha ng varayti sa wika.
Panimulang Pagsusulit sa Kabanata 1
I. TAMA o MALI: Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag. Kung MALI, isulat ang
salitang MALI at ilagay ang wastong sagot. (20 puntos)
1. Ang isang istandard na wika ay malaya sa mga pagbabago bunga ng
paggamit ng wika sa lipunan.
2. Bilingguwalismo ang tawag sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika.
3. Mahalaga ang pagpaplanong pangwika upang higit na mapayaman ang wika
ng isang bansa.
4. Layunin ng pagsulat na makapagpahayag lamang ng mga saloobin.
5. Nakakalikha ng isang mahusay na pangangatwiran sa pamamagitan ng
paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pansalat.
6. Pangunahing layunin ng paglalarawan ang magpaliwanag.
7. Sa paghanda ng paksa naihahanda ang estruktura ng buong organisasyon
ng gagawing pananaliksik.
8. Balangkas ang tawag sa listahan ng mga sangguniang ginamit sa
pananaliksik.
9. Ang paglalarawan ay naglalahad ng mga katuwiran at panig.
10. Mahalaga ang pagtatakda ng limitasyon sa pananaliksik upang maging tiyak
ang sakop ng pag-aaral.

2

II. PAGKAKAPAREHO/PAGKAKAIBA: Punan ng katangiang pareho at magkaiba
ang mga sumusunod na salita. (10 puntos)

Konsepto Pagkakapareho Pagkakaiba

1. Sosyolek at Dayalek
2. Idyolek at Sosyolek
3. Istandard at Varayti ng wika
4. Paglalarawan at
Pangangatuwiran
5. Pagsasalaysay at Paglalahad

SANAYSAY: Sagutin ang tanong: Ano ang ugnayan ng wika, kultura, at lipunan?
Ipaliwanag ang sagot gamit ang mga tinalakay sa buong kabanata. ( 20 puntos)
Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng sanaysay 10 puntos
Wikang ginamit sa pagsulat 5 puntos
Organisasyon ng sanaysay 5 puntos

3

Susi sa Pagwawasto
Pagsusulit sa Kabanata 1:

I. Tama o Mali
1. Mali – ang istandard na wika ay pamantayan na kadalasang pinupuro
2. Mali – dayalek
3. Tama
4. Mali – iba pang layunin ng pagsulat: makapagbigay impormasyon,
makapanghikayat, makapagbigay-lugod, makapagpahayag ng sarili
5. Mali – paglalarawan
6. Mali – paglalahad
7. Mali – balangkas
8. Mali – bibliyograpiya
9. Mali – pangangatwiran
10. Tama
II. Pagkakapareho/Pagkakaiba

Konsepto Pagkakapareho Pagkakaiba
1. Sosyolek at Dayalek Parehong nagpapakita ng
varayti sa loob ng isang
wika

Ang sosyolek ay
pagkakaibang dulot ng
panlipunang aspekto:
ang dayalek ay
heograpikal.

2. Idyolek at Sosyolek Parehong nagpapakita ng

varayti ng wika

Idyolek ay indibidwal na
pagkakaiba sa wika
samantalang grupong
panlipunan ang
bumubuo sa sosyolek

3. Istandard at Varayti ng
wika

Itinatakda ng mga
gumagamit ng wika sa
lipunan

Istandard ang
pamantayan ng wika sa
lipunan samantalang
isinasaalang-alang sa
varayti ang pagiging
dinamiko at pagbabago
ng wika.

4. Paglalarawan at
pangangatuwiran

Parehong anyo ng
pagsulat

Ang paglalarawan ay
nagbibigay-tuon sa
katangian ng isang
bagay, lugar, o
pangyayari na
inilalarawan
samantalang ang
pangangatwiran ay
gumamamit ng
panghihikayat bilang
pangunahing elemento

4

5. Pagsasalaysay at
paglalahad

Parehong anyo ng sulatin
na nag-iisa-isa ng
pangyayari at mga
paliwanag

Ang pagsasalaysay ay
may layuning
magkuwento ng mga
pangyayari
samantalagang
pangunahing layunin ng
paglalahad ang
magpaliwanag ng mga
konsepto.
Share:

0 comments:

Post a Comment

View My Stats
Powered by Blogger.